gototopgototop
HomeThe NewsFeaturesSelebrasyon ng National Buntis Day

Selebrasyon ng National Buntis Day

Kaugnay ng selebrasyon ng National Buntis Day. Ang Philippine Obstetrical and Gynecological Society kasama ang Department of Obstetrics and Gynecology ng Cotabato Regional and Medical Center ay magsasagawa ng mga lecture at libreng laboratory work-ups para sa mga kababaihan nating buntis sa darating na a-diyes ng Marso.

Inaanyayahan po ang lahat ng mga babaeng buntis sa lungsod at sa mga karatig lugar na makilahok sa aktibidad na ito upang makamit natin ang titulong largest prenatal class in multiple venues sa Guinness world records.

Gaganapin ang aktibidad sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, sa ARMM compound.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang po sa Cotabato Regional and Medical Center Ob-gyne Department sa numerong 0917-633-5500.

Maraming salamat po.

 

XXX